LEGAZPI CITY-Makikipag-ugnayan ang Provincial government ng Sorsogon sa Department of Education para sa pagpapatayo ng mga dagdag na eskwelahan sa probinsya.
Kasunod ito ng isinagawang meeting para i-presenta ang letter of intent sa implementasyon ng proyektong ito kay DepEd Secretary Sonny Angara, kasama si Sorsogon Mayor Ma. Ester “Thess” Hamor at ilang mga alkalde ng lalawigan.
Ayon Sorsogon Provincial spokesperson Dong Mendoza, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na inihahanda na nila ngayon ang mga dokumento, endorsement nito sa sangguniang panlalawigan at maging ang kapasidad ng proyekto.
Aniya, sa kabila ito ng nangyayaring katiwalian sa mga infrastructure projects kung saan may kautusan ang national government na magpatayo ng mga dagdag na classrooms, kung kaya sinisiguro ng provincial government na mapatupad ito sa lalawigan.
Malaking bagay at tulong rin umano ito sa probinsya sapagkat nagkukulang sila ngayon sa mga classrooms, kaya nakaplano na ang mabilisang aksyon para mapatupad ang nasabing proyekto.
Magkakaroon na rin ng signing ng isang Memorandum of Agreement ngayong darating na linggo sa pagitan ng Provincial government, Department of Education, at ng national government kung saan inaasahang dadalo si President Ferdinand “BongBong” Marcos Jr.











