LEGAZPI CITY-Record breaking si Jhon Laurence E. Espaldon ng Jaime G. Espena National High School ng bayan ng Sorsogon matapos mabasag nito ang nauna nang rekord sa kaniyang pagka-panalo ng gintong medalya sa 2026 Palarong Pambansa.
Ayon kay Sorsogon Schools Division Office Sports Division Officer Rex Barbin, sa isang panayam ng Bombo Radyo Legazpi, ito ang unang laban ni Espaldon sa Palarong Pambansa ngunit ito ay nagkabasang ng rekord para sa kanilang lalawigan.
Nakagawa si Espaldon ng astounding throw na 62.48 metro at sinira ang rekord na 59.90 metro para sa Javelin Throw competition.
Sinabi ni Barbin na si Espaldon ay dati nang lumahok sa Batang Pinoy National Championship ngunit dito umano siya nagpakitang gilas sa Palarong Pambansa.
Idinagdag ng opisyal na ang susi sa tagumpay ay ang 20-araw na pagsasanay na sinimulan ng tanggapan ng rehiyon at ng pamahalaang panlalawigan.
May kabuuang 57 delegado ang nagmumula sa lalawigan ng Sorsogon, kabilang ang halos 12 coach at anim na 6 trainer.
Naging estratehiya na rin ng grupo at kanilang mga coach na maging aktibo at sistematiko pagkatapos ng oras ng klase kung saan sinasanay ang mga atleta bago pa man ang kompetisyon.
Sa ngayon nagpapatuloy ang tagumpay ng mga delegado mula sa Bicol Region sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2026 sa Agusan del Sur.
Ayon sa pinakahuling datos, tatlong gintong medalya ang naiuwi na ng Bicol Region.
Kung saan binubuo ito nina nina Reiley Maddaleign Alendongan sa elementary girls swimming, Beverly Naisa ng elementary girls athletics, at John Laurence Espaldon sa Javelin throw.










