LEGAZPI CITY – Isinailalim sa isang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Matnog, Sorsogon matapos na makapagtala ng apat na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Dong Mendoza, tagapagsalita ni Sorsogon Governor Chiz Escudero sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, pansamantala munang isinara sa publiko ang mga barangay ng Camcaman at Caloocan upang mabigyang-daan ang isinasagawang contact tracing sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa lugar.

Kabilang sa mga bagong naiulat na nagpositibo ang dalawang health workers, isang kamag-anak at isang guro.

Ayon kay Mendoza, posibleng palawigin pa ang lockdown batay sa resulta ng isinasagawang contact tracing at sa rekomendasyon ng health office.

Sa ngayon, isinailalim na sa isolation ang mga ito habang nagpapatuloy ang contact tracing sa mga nakasalamuha.

Dong Mendoza, tagapagsalita ni Sorsogon Governor Chiz Escudero