LEGAZPI CITY-Nagpapatuloy sa pagbibigay ng tulong ang Office of the Civil Defense (OCD) Bicol sa mga bayan na lubhang naapektuhan ng malawakang pagbagsak ng ashfall mula sa Bulkang Mayon.
Ayon kay Office of the Civil Defense Bicol Spokesperson Gremil Naz, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na patuloy ang kanilang response effort at pagsasagawa ng debris clearing lalo na sa bayan ng Guinobatan, Albay.
Nagbigay rin sila ng food at non-food items sa mga local government units at nakapag-padala ng water sanitation team sa mga lugar na apektado ang suplay ng tubig.
Katuwang din nila ang iba pang kawani at government agency mula sa Albay at Sorsogon.
Dagdag pa ng opisyal na patuloy rin ang augmentation ng Department of Health (DOH) sa pagbibigay ng facemask.
Maliban dito, pinagpa-planuhan na rin ng bayan ng Masbate at Camarines Sur ang pagpapadala ng dagdag na tulong sa mga apektadong lugar.
Sa ngayon, nakatutok ang ahensya sa pagsasagawa ng clearing operation at patuloy na nagpapaalala sa lahat na makinig sa mga abiso at maging alerto anumang oras.










