LEGAZPI CITY- Kasalukuyang isinasagawa ang Appreciation and Pasasalamat for Partners for Lasting Alliance, Unwavering Support and Excellence (APPLAUSE) ng PhilHealth Regional Office (PRO) V sa lungsod ng Legazpi ngayong umaga, Nobyembre 4.
Dumalo sina Albay Governor Noel Rosal, Sorsogon Governor Boboy Hamor, mga empleyado ng PhilHealth at kawani ng mga lokal na pamahalaan sa buong rehiyong Bicol.
Kabilang rin sa aktibidad maging ang media partners na naging katuwang ng nasabing ahensiya sa paglunsad ng kanilang mga programa.
Makatatanggap ang ilan sa kanila ng parangal sa ilang mga uri ng award bilang pinakamahalagang bahagi ng nasabing aktibidad.
Isa ang Bombo Radyo Legazpi sa paparangalan ng Partner Service Award mamayang ala una ng hapon.
Via Bombo Kim Ramos











