hand, foot, and mouth disease cases in Mayon evacuees

LEGAZPI CITY-Nakapagrehistro ang Department of Health (DOH) ng mahigit 600 na konsultasyon mula sa Mayon evacuees na karamihan ay mayroong acute respiratory infections.

Ayon kay DOH Bicol CHD Head of Public Health Preparedness and Response Unit Dr. Aurora Teresa M. Daluro, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, na halos karamihan sa mga nagpakonsulta ay may ubo, sipon, at lagnat dala ng acute respiratory infection.

Aniya, posibleng dulot rin ito ng ashfall, malamig na panahon, o ang pabago-bagong kilma ngayon sa rehiyon.

Sa ngayon patuloy ang pag-monitor ng mga health workers sa mga evacuees na nanggaling sa 6km radius permanent danger zone.

Nakahanda rin ang mga sasakyan kung sakali man na magkaroon ng referrals sa malalaking hospital sa lalawigan.

Sinisikap rin ahensya na maibigay ang kinakailangan ng mga evacuees sa medical station para hindi na sila pumunta pa sa rural health center sa kanilang komunidad.

Panawagan naman ng opisyal sa mga evacuees, maging sa publiko na magpakonsulta para mabigyan ng kaukulang gamot at iwasan ang mikroboyo sa kani-kanilang evacuation camps.