LEGAZPI CITY- Dumating na sa lalawigan ng Albay si Philippine National Police Chief General Rommel Francisco Marbil ngayong umaga, Hunyo 25, 2025.

Bibisita ang hepe ng kapulisan sa Camp Simeon Ola sa lungsod ng Legazpi para sa turn-over ng ilang mga police patrol cars, K9 dogs at iba pang mga kagamitan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Sorsogon Provincial Information Officer Dong Mendoza, sinabi nito na nasa 18 na mga patrol cars ang nakatalaan na i-turn over sa mga police stations sa rehiyon na mula sa donasyon ng gobernador ng lalawigan.

Sa pamamagitan aniya nito ay mas mapapalakas pa ang suporta sa kampanya ng kapulisan na mapanatili ang kapayapaan sa rehiyon.