Samantha Nicole Bejer, rank 5 sa March 2026 Licensure Examination for Teachers

LEGAZPI CITY- Hindi pa rin makapaniwala ang ang rank 5 sa March 2026 Licensure Examination for Teachers na mapapabilang siya sa mga makakakuha ng pinakamataas na marka sa naturang eksaminasyon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Samantha Nicole Bejer, sinabi nito na hindi maganda ang pakiramdam niya sa mismong araw ng eksaminasyon.

Dahil dito ay nagkaroon ng pagkakataon na lumabas pa siya upang pakalmahin ang sarili.

Kwento nito na matinding pagdadasal ang kaniyang ginawa dala ang kaniyang rosary, upang magawang matapos ang eksaminasyon.

Samantala, kinilala rin nito ang tulong ng review center at paggawa ng ilang mga diskarte sa pag-aaral upang magtagumpay sa exam.

Si Bejer ay nagtapos sa Bicol University Polangui at nakakuha ng 93.80% na rating.