LEGAZPI CITY- Nakapagbulsa na ang Bicol Vulcans ng unang gintong medalya sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa na ginaganap ngayon sa Cebu.

Ito ay sa pamamagitan ng pride ng Masbate na si Courtney Jewel Trangia sa Girls Discus Throw.

Matatandaan na bago pa ang pagsabak sa Palarong Pambansa ay nakapag-uwi rin ito ng gold medal sa ASEAN School Games sa Vietnam.

Kaugnay nito ay inulan naman ng pagbati si Trangia matapos ang magandang performance nito.

Samantala, inaasahan na marami pang delegado ng Bicol ang makakasungkit ng medalya sa mga susunod na araw.