Former House Speaker Romualdez will not attend the next ICI hearing due to a medical procedure

Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na hindi umano makakadalo si dating House Speaker Martin Romualdez sa sa susunod na pagdinig ng komisyon.

Matatadaan na nakatakda sana ang naturang pagdinig sa Oktubre 22 sa kasalukuyang taon.

Idinahilan umano ng kampo ni Romualdez na kinakailangan na sumailalim ng mambabatas sa isang medical procedure.

Hindi naman idinetalye pa kung anong uri ito ng medical procedure at kung ano ang karamdaman ng mambabatas.

Matatandaan na inimbitahan si Romualdez sa pagdinig ng ICI kaugnay ng anomalya sa flood control projects.