LEGAZPI CITY- Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Cagwait, Surigao Del Sur kaninang alas-5:45 ng umaga.

May lalim itong 10km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology, naramdaman rin ang Intensity II sa Bislig City, Surigao Del Sur.

Naramdaman rin ang Instrumental Intensity I sa bahagi ng Tandag.

Samantala, wala namang pinsala na iniwan ang naturang lindol habang hindi rin inaasahan ang anumang aftershocks.