
LEGAZPI CITY-Muling naitala ang ashfall sa bayan ng Camalig, Albay kung saan pansamantalang sinuspendi ang face-to-face classses sa mga apektadong eskwelahan.
Nagsimula ito noong Pebrero 17 ng gabi sa oras na alas 11:00 at nag-subside nitong hapon, Pebrero 18.
Ayon kay Camalig Local Government Unit Public Information Officer Tim Florece, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na dalawang oras ang itinagal nito at mas malala dahil classified ito bilang moderate to heavy ashfall.
Mas malala rin ito noong nakaraang ashfall sa bayan kung saan nasa light to moderate lamang.
Apektado rin ang ilang mga barangay kabilang ang Barangay Tagaytay at Barangay Bariw at ang mga nasa mayon unit area kabilang ang Barangay Sua, Quirangay, Cabangan, Tumpa, at Poblacion.
Inabot na rin ng ashfall ang nasa 7-8km areas kabilang ang Barangay Libon at Tagaytay.
Sa kabuuan, apektado ng ashfall ang nasa 10,000 na mga indibidwal at nasa 201 na mga pamilya o 717 na mga indibidwal galing sa permanet danger zone.
Pansamantala ring sinuspendi ang face-to-face classes sa mga apektadong eskwelahan at inaabisuhan ang lahat na magsuot ng facemask at manatili muna sa kani-kanilang mga bahay dahil sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon.










