LEGAZPI CITY—Limang indibidwal ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng mga awtoridad sa Barangay 34-Oro Site, Legazpi City.

Ayon kay Brgy. 34-Oro Site Kagawad Jose Lumbis, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, dalawa sa mga suspek ay mag-ama at residente ng nasabing barangay habang ang tatlo ay dayuhan sa lugar.

Sinabi ni Lumbis na nakakatanggap na sila ng impormasyon tungkol sa mag-ama na sangkot umano sa iligal na droga.

Dahil dito, nakipag-ugnayan sila sa Philippine Drug Enforcement Agency upang arestuhin ang mga suspek.

Sa isinagawang operasyon, nasamsam sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P300,000.

Samantala, dagdag pa ng opisyal na masasabing tagumpay ang pagkakaaresto sa mga suspek at ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng peace of mind ng mga residente sa nasabing barangay.