LEGAZPI CITY-Agad na naghanda an mga residente sa Barangay Anoling, sa bayan ng Camalig, Albay upang mag-likas kasunod ng muling pag-alburuto ng Bulkang Mayon pasado alas 11:53 ng umanga nitong Biyernes, Oktubre 30, 2026.

Ayon kay Punong Barangay Mia Alemania sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na naranasan ng mga residente dito ang pag-alburuto ng Bulkan kung saan nakapagtala ng pagbagsak ng mga abo.

Dinig din umano mula sa lugar an pagsabog ng Bulkan, dahilan upang agad silang maalerto at maghanda para sa agarang paglikas.

Bago pa ito, inabisuhan na rin ang mga residente sa 6km permanent danger zone na huwag maging kampante, sinabi naman ng opisyal na alam na nila an kanilang gagawin sa ganitong mga scenario.

Gayundin, ang mga magsasaka sa kanilang lugar ay agad na bumababa upang dahil an kanilang mga ani.

Nag-abiso naman an opisyal sa lahat ng mga residente na maghanda na upang maidala na sila sa Tagaytay Elementary School na magsisilbing evacuation center.

Nasa 120 mga pamilya naman mula sa 6km permanent danger zone ang inaasahang ililikas sa kanilang lugar.