Inaasahan na ni Vice President Sara Duterte na siya ang magiging susunod na target ng International Criminal Court (ICC) kasunod ng pag-aresto sa kaniyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Aniya, pinayuhan rin siya ng kaniyang ina na mag-ingat hinggil dito.
Subalit nakahanda aniya siyang harapin ang lahat ng mga alegasyon na ibinabato laban sa kaniya.
Sa katunayan, nagsimula na umanong maghanda ang kaniyang mga abogado maliban pa kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na nauna ng nagpresentang maging abogado sa mga kasong kaniyang kinakaharap.
Saad pa ng Bise Presidente na mayroon silang libro bilang gabay sa kung ano ng kanilang gagawin at lahat ng kanilang research materials kaugnay sa ICC.
Ibinahagi din aniya nila ang kanilang drafted petition sa legal team ng dating Pangulo.
Inamin naman ng Ikalawang Pangulo na kaniyang inaalala ang magagastos para sa legal fees, bagamat kasama naman aniya ito sa kanilang pinaghandaan.