LEGAZPI CITY- Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa lalawigan ng Sorsogon kaninang alas-10:32 ng umaga.

Naging sentro ng pagyanig ang bayan ng Prieto Diaz.

May lalim itong 9km at tectonic ang pinagmulan.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology na wala namang inaasahan na anumang pinsala matapos ang naturang lindol.

Samantala, hindi rin umano ito masusundan ng anumang aftershocks.