LEGAZPI CITY – Patay ang pahinante ng dump truck matapos na masunog sa Brgy. Buraguis, sa ciudad kan Legazpi.
Kinilala ang biktima na si Rey Maraña.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Jonathan Marqueses, driver ng dump truck, 20 minuto ang itinagal ng sunog sa truck na magdi-deliver lang sana ng buhangin mula sa Daraga.
Pinaniniwalaang nag-ugat ang sunog sa dumikit na live wire sa sasakyan.
Nagawa namang makatalon mula sa sasakyan ng driver at mailigtas ang sarili subalit hindi napansin ang pahinante na pinaniniwalaang nakuryente pa.
Nakuha na lamang ang katawan ng biktima matapos ang sunog.