LEGAZPI CITY – Umaaray na ang mga residente dahil sa nararanasnag serye ng brownout sa Barangay Bogtong, Legazpi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Punong Barangay Armando Toledo ng Barangay Bogtong, halos sunod-sunod ang brownout sa lugar dahil sa mahing suplay ng kuryente.
Nagkaroon naman aniya ng aksyon ang Albay Electric Cooperative (ALECO) na palitan ang transformer sa lugar.
Subalit ang problema ay luma na ang mga wire ng kuryente nagputukan umano ito dahil hindi kinaya ang mataas na boltahe.
Inamin ni Toledo, na subject para sa rehabilitasyon ang mga kable at poste ng kuryente sa lugar dahil sa lumang-luma na.
Ayon sa opisya, mahalagang mapalitan na ang mga ito dahil delikado sa mga residente na pinangangambahang bigla na lang bumagsak.