LEGAZPI CITY- Nasungkit na ng rehiyong Bicol ang unang gintong medalya nito sa nagpapatuloy na Palarong Pambansa 2025.
Ito matapos na maibulsa ni Courtney Jewel Trangia ng Masbate Sports Academy ang gold medal sa Discuss Throw Secondary Girls.
Matatandaan na hindi na bago sa larangan ng sports si Trangia dahil marami na itong nai-uwing karangalan hindi lamang para sa Bicol region kundi maging sa buong bansa matapos sumabak sa ilang mga international competitions.
Samantala, agad naman na bumuhos ang pagbati para sa Bicolano athlete matapos ang tagumpay nito.