LEGAZPI CITY- Umabot sa 216 na mga magsing-irog ang sabay-sabay na ikinasal sa tatlong araw na libreng “kasalan sa barangay” sa Ligao City sa lalawigan ng Albay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Mayor Patricia Alsua, aminado itong maging siya ay nabigla sa dami ng mga nagpakasal at sumama sa aktibidad.
Nabatid na dalawang taon rin kasing nag-antay ang mga magpartner dahil sa pagkakasuspendi ng “kasalan sa barangay” bunsod ng mga restrictions na ipinatupad kaugnay ng COVID 19 pandemic.
Nilinaw naman ng alkalde na nasunod pa rin ang ipinapatupad na health protocols dahil isinagawa ang kasalan sa magkakaibang venue sa mga barangay.
Parte ang libreng kasalan ng selebrasyon ng ika-21 anibersayo ng pagkakadeklara sa Ligao bilang isang lungsod.