LEGAZPI CITY—Bumisita si ACT Teachers Party-List Representative Antonio Tinio sa iba’t ibang probinsya sa Bicol katulad ng Albay, Camarines Norte at Camarines Sur bilang bahagi ng konsultasyon sa mga guro lalo na ngayong balika eskwela na.
Ayon kay ACT Teachers Chairperson Ruby Ana Bernardo, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, karamihan sa mga hinaing ng mga guro sa rehiyon ay tungkol sa ARAL program at karagdagang suweldo para sa kanilang sektor.
Gayundin din aniya ang pagdating sa problema sa mga silid-aralan at ang pagkabulnerable ng mga paaralan at mode of learning sa gitna ng pag-alburoto ng Bulkang Mayon.
Samantala, tiniyak din ng opisyal na idudulog nila ang mga nasabing isyu sa susunod na pagdinig sa Kongreso.











