Lalaki tumalon sa ikatlong palapag ng Legazpi City Public Market
Lalaki tumalon sa ikatlong palapag ng Legazpi City Public Market

LEGAZPI CITY- Binawian na ng buhay ang isang lalaki matapos itong tumalon sa ikatlong palapag ng Legazpi City Public Market ngayong umaga lamang.

Ayon kay Legazpi City Police Station spokesperson Police Executive Master Sergeant Carlos Paña sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na nagtamo ng matinding injuries ang naturang biktima.

Naitakbo pa ito sa pagamutan subalit binawian rin ng buhay pagdating sa ospital.

Iniimbestigahan naman ngayon ng mga kapulisan kung nakakaranas ng depresyon ang biktima.

Samantala, nanawagan rin si Paña sa publiko na maging sensitibo sa pagpapalabas ng mga larawan, video at impormasyon hinggil sa insidente.