LEGAZPI CITY- Tuloy pa rin ang trabaho ng mga Pilipino sa China sa kabila ng papalapit na pagdiriwang ng Chinese New Year.
Subalit ayon kay Bombo International News Correspondent Conception Sison na isa sa mga inaabangan nila ay ang red packet o red envelope mula sa kanilang mga employer.
Aniya, ito na rin ang nagsisilbing 13th month pay ng mga manggagawa sa naturang bansa.
Subalit aminado si Sison na hindi lahat ng mga Pilipino ay nakakatanggap ng red packet dahil naka depende pa rin ito sa kanilang mga amo.
Samantala, kwento nito na isa sa mga tampok na pagkain tuwing Chinese New Year ay ang roast duck at iba pang mga tradisyunal na pagkain.










