LEGAZPI CITY-Nagbuga ng malaking volume ng abo ang Bulkang Mayon ngayong hapon, araw ng Sabado, Mayo 2, 2026.


Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology Director Dr. Teresito Bacolcol sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi nangyari ito bandang alas 4:28 ng hapon kung saan naglabas ito ng malaking volume ng Pyrcolastic Density Currents.


Dahil umano ito sa lava effussion sa summit ng Bulkan kung kaya nagkaroong ng collapse at nag-generate ng PDCs partikular na sa Mi-isi Gully sa South Western Slopes nito.


Tinatayang umaabot ng 4km ang inilabas na PDCs ng Bulkang Mayon ngayong araw, kung kaya makikita ang malaking volume nito.


Dagdag pa ng opisyal na ito na ang pinakamalaking PDCs na na-generate ng Bulkang Mayon mula noong una nitong eruption.


Pinapaalalahanan rin ang lahat ng nasa karatig lugar na delikado kung umabot man sa 6km ang abo sa mga kumunidad lalo na sa mga kababayan na may kumplikasyon sa baga maging sa mga buntis.


Sa ngayon, pinagiingat ang lahat at mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa 6km permanent danger zone habang nananatili sa alert level 3 ang Bulkang Mayon.