Maagang natapos ang Olympic campaign ni Tokyo bronze medalist Eumir Marcial matapos talunin ni Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa Round of 16 ng men’s 80kg division.

Maagang nakuha ni Khabibullaev ang kontrol sa laban para sa kaniyang Olympic debut.

Hindi na nakabawi pa ang Pinoy pride sa ikatlong round matapos mahirapan na maipatama ang kaniyang mga suntok sa kalaban.

Hirap si Marcial na makalapit sa kalaban kasunod ng mga jab punches ni Khabibullaev lalo pa at mas matangkad at mas malayo ang reach nito.