LEGAZPI CITY-Patuloy ang nagaganap na panaka-nakang strombolian activity sa Bulkang Mayon habang nananatili pa rin ito sa alert level 3.

Ayon sa pinakahuling datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na mataas pa rin ang aktibidad ng Bulkan kung saan dumadaloy ang lava sa bahagi ng Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km), at Mi-isi (1.3 km) gullies.

Naitala rin ang 279 volcanic earthquakes, 324 rockfall events, at 3 pyroclastic density current signals o “uson’

Samantala, naglalabas din ito ng 2,430 na tonelada ng Sulfur Dioxide Flux(SO2) sa kada araw simula noong Marso 14, 2026.

Natatakpan rin ng ulap ang bulkan at namamaga pa rin ito ayon sa pagtataya ng Phivolcs.

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal ang pagpasok sa danger zones mula sa Bulkang Mayon at pinag-iingat ang lahat galing sa banta o posibleng ashfall.