LEGAZPI CITY-Muling nai-record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang time-lapse footage at close-up photo ng Bulkang Mayon simula kahapon, bandang 10:07 ng gabi, March 19, 2026, hanggang ngayong araw ng Biyernes, bandang 09:17 – 09:19 ng umaga, March 20, 2026.
Basado sa pinakahuling ulat ng Mayon Volcano Observatory, patuloy na nagpapakita ng short-lived lava fountaining at pyroclastic density currents (PDCs), or“uson,” sa Mi-isi Gully.
Paliwanag ng ahensya na lumilikha ito ng gray to light-gray ash clouds na nagreresulta sa pagbagsak ng ashfall sa mga komunidad partikular na sa southwest at southwestern slopes ng Bulkang Mayon.
Nananatili naman sa Alert Level 3 ang status ng Bulkan kung saan mahigpit pa rin na ipinagbabawal an pagpasok sa 6-km Permanent Danger Zone.










