Mayon volcano monitoring

LEGAZPI CITY- Mahigpit pa ring binabantayan ang mga parametro ng bulkang Mayon dahil sa nagpapatuloy na aktibidad nito.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ay nagkaroon ng 338 rockfall events at 72 pyroclastic density currents o uson sa nakalipas na magdamag.

Maliban dito ay nagpapatuloy rin ang pagbuga ng lava dome at naitatalang lava flow sa bulkan.

Naitala rin kahapon, Enero 16 ang 4, 970 tonelada ng sulfur dioxide flux.

Sa kasalukuyan ay nananatili pa rin sa alert level 3 ang naturang bulkan.

Samantala, una ng nagpalabas ng lahar advisory ang Phivolcs kaugnay ng mga pag-ulan na dala ng bagyong Ada na maaaring maka apekto sa bulkan.