LEGAZPI CITY-Isinagawa sa kauna-unahang pagkakataon ang ASEAN ERA International Conference sa University Campus sa Legazpi City para sa mas malawak na international recognition para sa mga komunidad.
Ayon kay Bicol University International Relations Office Director Professor Evangeline Honrado, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na una itong isinagawa sa unibersidad kung saan kinabibilangan ng mga shared institution para sa pananaliksik ng mga estudyante.
Layunin din nitong magkaroon ng internationalization sa Bicol University pati na rin sa iba pang unibersidad.
Aniya, ang aktibidad ay para sa mga researchers at faculty members na nasa academia para magkaroon ng kaalaman sa extension research.
Importante rin ito para mahasa ang mga estudyante at maging maalam sa international approach pagdating sa teknolohiya at kultura.
Nakiisa rin dito ang ibat-ibang local at international speakers galing sa Pilipinas, India, Switzerland, Taiwan, at Vietnam.
Ipagpapatuloy rin ng institusyon ang kanilang iba pang agenda para magbigay kaalaman sa mga miyembro ng edukasyon.











