Mayon eruption

LEGAZPI CITY- Muling nagkaroon ng eruption sa bulkang Mayon ngayong tanghali, Oktubre 30, 2026.

Dahil dito ay itinaas na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang alert level 3 sa naturang bulkan mula sa alert level 2.

Ang naganap na moderate explosive eruption ay muling nagdulot ng pangamba sa ilang mga residente na naninirahan sa 6lm radius permanent danger zone.

Inaantabayanan naman ang magiging hakbang ng mga lokal na pamahalaan lalo pa at sa ilalim ng alert level 3 ay inililikas ang mga residenteng naninirahan sa 6km radius permanent danger zone.

Samantala, nagsuspinde na rin ng pasok ang ilang mga lokal na pamahalaan sa Albay kasunod ng naturang insidente.