Mayon volcano PDC

LEGAZPI CITY— Iginiit ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na wala pang sapat na dahilan sa ngayon upang itaas sa alert level 4 ang alerto ng bulkang Mayon.

Ayon kan Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Mariton Bornas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na walang namo-monitor ang tanggapan na anumang paglala sa monitoring parameters.

Ito ay sa kabila ng naitalang lava collapse na nagdulot ng Pyroclastic Density Currents (PDCs) o uson na nagresulta sa ‘ash clouds’ nitong weekend.

Dahil dito ay nananatili pa rin sa alert level 3 ang bulkan.

Ayon sa opisyal na isa sa mga binabantayan ngayon ay ang posibilidad na lumayo pa ang disyansya ng pagdaloy ng volcanic materials sa Mi-isi gully.

Samantala, nitong umaga lamang ay muling nakapagtala ng uson sa naturang bulkan.