LEGAZPI CITY-Tinitiyak ng Japan ang sapat na stockpile ng langis mula sa gobyerno at mga pribadong kumpanya.
Ito ay matapos ianunsyo ni Punong Ministro Takaichi Sanae ang paglabas ng humigit-kumulang 80 milyong bariles upang mapanatilng kalmado ang pandaigdigang pamilihan ng langis at maiwasan ang kakulangan ng suplay na dulot ng digmaan sa Middle East.
Ipatutupad ito simula Lunes mula sa mga pribadong kumpanya nang hanggang 15 araw at susundan ng gobyerno.
Ayon kay Bombo International News Correspondent sa Japan na si Hannah Galvez, sa isang panayam sa Bombo Radyo Legazpi, malaking tulong ito dahil maraming pabrika at commuter ang Japan at upang maiwasan ang pagtaas ng presyo ng langis na ngayon ay nasa 170 yen kada litro o 1.7 dolyar kada litro.
Dagdag pa niya, ito ay isang matagal nang reserba ng Japan kung saan aabutin ng 45 araw upang matiyak ang suplay para sa publiko.
Sinabi rin ni Galvez na hindi pa tiyak kung itataas ang ire-release na suplay at hindi pa ito ang kabuuang reserba ng langis ng bansa.
Mayroon din silang koordinasyon sa internasyonal na komunidad kung saan humigit-kumulang 400 milyong bariles ang ilalabas kasama na ang 80 milyong bariles mula sa Japan.
Matatandaang isinara ang Strait of Hormuz kung saan 95% ng mga inaangkat na langis ay sinasabing nagmumula sa Middle East lalo na sa Iran.
Sinabi ng opisyal na humantong ito sa isang de facto blocking at sa kawalan ng kakayahan ng mga oil cargoes at suplay ng langis na dumaan sa Japan, kaya nangangailangan ang paglabas ng reserba ng bansa.











