LEGAZPI CITY-Pinagpaplanuhan ng mga kapulisan sa lalawigan ng Albay ang paglalagay ng mga container vans para sa kaligtasan ng mga personnel mula sa banta ng ashfall.
Ayon kay Albay Police Provincial Office Provincial Director Police Colonel Noel Nuñez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na ilalagay ang mga container vans para masiguro ang kaligtasan ng mga naka-deploy na kapulisan sa border control point ng Bulkang Mayon.
Kasunod ito ng naging sitwasyon sa Camalig Albay, kung saan bumagsak ang maraming volume ng ashfall.
Nagsasagawa na rin sila ngayon ng koordinasyon sa Municipal Government, Chief of police, Bureau of Fire Protection maging sa mga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office para pag-aralan kung ano pa ang mga dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon.
Naka-standby na rin ang kanilang iba pang mga personnel kung sakali man na magkaroon ng medical emergencies.
Sa ngayon, inererekomenda sa mga residente maging sa lahat ng kapulisan ang paggamit ng facemask habang nasa evacuation centers lalo na sa mga kababayan na mayroong mga sakit.










