LEGAZPI CITY-Itinuturing na normal phenomenon sa Australia an pagkakaroon ng 49-51°C degrees heat wave.


Ayon kay Bombo International News Correspondent in Australia Denmark Suede, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na sa sobrang init sa Australia posible nang makapagluto sa ibabaw ng mga sasakyan.


Umabot din sa 49°C degrees celsius ang init sa Western Region at pinakamaatas na ang 51°C degrees celsius na kanyang naranasan.


Kumpara umano sa nararanasan sa Pilipinas mas katamtaman ito sa Australia habang nakakapagod naman ang init sa Pilipinas dahil sa umiiral na humidity dito.


Sinabi rin ni Suede na sanay na ang mga tao rito kung saan tumatagal ang mainit na temperatura simula December 1 hanggang March 31.


Matatandaan rin na noong 2019, umabot sa isang taon umano ang mainit na panahon sa Australia.


Sa panahon naman na ito, maraming kaso ng fire incident kagaya ng nangayring bush fire sa Melbourne.


Idinedeklara rin ng gobyerno ng Australia ang fire ban tuwing fire season at may malaking penalidad para sa mga tumataliwas rito.