LEGAZPI CITY – Nabigo ang isang nanalong kandidato sa rehiyon ng Bicol na magsumite ng kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Ayon kay Commission on Elections Bicol Director Atty. Jane Valeza sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na batay sa kanilang ulat na siya ay nanalo bilang miyembro ng sangguniang bayan ng Siruma, Camarines Sur.
Kahit na iproklama ang kandidato, hindi na siya makaka-upo sa pwesto alinsunod sa batas ng Department of the Interior and Local Government.
Iginiit niya na hindi na ito makakasumite dahil non-extendible na ang deadline at dapat itong magsilbing aral sa lahat ng kandidato na magsumite ng kanilang SOCE isang buwan pagkatapos ng halalan.
Sinabi ng opisyal na nagkaroon ng pagtaas sa porsyento ng mga kandidatong nagsumite ng kanilang SOCE ngayong taon kumpara sa nakaraang halalan.
Sa kanilang datos, may kabuuang 2,806 na kandidato sa nakaraang halalan sa rehiyon at 2,615 lamang ang nagsampa habang ang 191 na hindi nagsumite ay makakatanggap ng notice kung saan magbabayad sila ng administrative fine na nagkakahalaga ng P5,000 hanggang P30,000.
Kung mapapatunayang hindi nakapagsumite ng SOCE ang isang kandidato ng dalawang magkasunod na halalan, awtomatiko siyang mabibigyan ng perpetual disqualification to hold public office.
Binigyang-diin ni Atty. Valeza na alam na dapat ng mga kandidato na manalo man sila o hindi, kailangan nilang magsumite ng kanilang SOCE sa loob ng isang buwan pagkatapos ng halalan.