train accident in Daraga
train accident in Daraga

LEGAZPI CITY- Nasangkot sa aksidente ang isang closed van at tren sa bayan ng Daraga, Albay.

Ayon sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Legazpi na nangyari ang aksidente kaninang ala-1:30 ng madaling araw.

Batay sa impormasyon mula sa concerned citizen mula sa pinangyarihan ng insidente ay nagtamo umano ng injuries ang isang pahinante matapos itong maipit.

Ang driver naman ng naturang closed van ay nasa maayos na kondisyon.

Samantala, agad naman na rumespunde ang mga kinauukulan sa lugar upang madala sa pagamutan ang biktima.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ang sanhi ng naturang aksidente.