Albay PPO Director Police Col. Noel Nuñez

LEGAZPI CITY- Nananatiling walang patid ang suporta ng Albay Police Provincial Office na taun-taong kaagapay ng Bombo Radyo Philippines sa Dugong Bombo.

Ngayong taon ay muli na namang nagpahayag ng kanilang suporta ang naturang tanggapan para sa isasagawang Dugong Bombo 2026 na nakatakda sa Nobyembre 14.

Ayon kay Albay PPO Police Col. Noel Nuñez na hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan ng komunidad nagtatapos ang serbisyo ng mga kapulisan, kundi maging sa pagliligtas ng buhay.

Kinilala ng opisyal ang kahalagahan ng pagbabahagi ng dugo upang matulungan ang mga pasyente na nangangailangan nito.

Aniya, hindi sila magsasawa na suportahan ang Dugong Bombo, na kilala rin bilang pinakamadugong blood letting activity na sabay sabay na isinasagawa sa iba’t ibang lugar sa bansa na mayroong Bombo Radyo at Star FM Stations.

Sa bahagi ng Bombo Radyo Legazpi, isasagawa ang aktibidad sa 2nd level ng Pacific Mall Legazpi City.