LEGAZPI CITY- Naghatid ng tuwa at inspirasyon si “The Magician” Efren “Bata” Reyes sa mga billiard enthusiasts sa lalawigan ng Albay.

Ito matapos ang pagbisita ni Reyes sa lungsod ng Tabaco.

Ayon kay Tabaco City Mayor Krisel Lagman-Luistro sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi na isa sa mga masuwerte na nakadaupang palad nito ay ang 99-anyos na fan mula sa Tiwi, Albay.

Kahit pa sakay ng kaniyang wheelchair ay matiyagang nanood ng exhibition game ni Reyes ang naturang lola.

Walang pagsidlan ang tuwa nito matapos na makamayan ang kaniyang idolo.

Maliban dito ay dumayo rin sa lungsod ang mga fans ng billiard icon bitbit ang larawan nito na matiyaga namang nagpaunlak ng autograph sa mga fans.

Samantala, dahil sa event ay sinabi ni Mayor Luistro na nakila nila na marami pala ang mga young billiard enthusiasts na maaaring ma-train sa lungsod upang mas mahasa pa ang taleto sa naturang sport.