LEGAZPI CITY – Iniimbestigahan na ngayon ng mga awtoridad kung ano ang posibleng pinagmulan ng nangyaring wildfire sa paanan ng Bulkang Mayon sa bahagi ng Barangay Sua, Camalig, Albay.

Bandang alas 6 ng gabi ng unang maiulat ang sunog na kitang-kita kahit na mula sa malayong lugar.

Ayon kay Tim Florece ang tagapagsalita ng lokal na gobyerno ng Camalig, agad naman na rumesponde ang mga bumbero subalit nahirapan na maabot ang lugar dahil nasa mataas na bahagi na ito ng barangay.

Matapos ang mahigpit sa isang oras ay naideklara na itong under control hanggang sa tuloyan ng maapula.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw kung saan nagsimula ang sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.