LEGAZPI CITY-Dumalo ang ilang lider at opisyal sa turn over ceremony ng bagong regional director ng Police Regional Office 5 na ginanap sa Camp Simeon Ola, Legazpi City sa Albay.

Kasama rin sa mga dumalo si Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. na nagsilbing presiding officer ng Philippine National Police Chief Nicolas Torre III.

Ayon kay PRO5 Spokesperson Police Lieutenant Colonel Maria Luisa Calubaquib, sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, naghahanda na ang kanilang tanggapan sa mga plataporma, plano, at programang ilalatag ng bagong regional director ng Police Regional Office 5 na si Police Brigadier General Nestor C. Babagay.

Dagdag pa ngopisyal, na ipinagmamalaki nilang magkaroon ng mga Bicolano regional directors dahil sa sariling mga tao at nararamdaman ang kanilang pakikiramay sa mga kapwa bicolano.

Dumalo rin sa aktibidad ang mga pinuno ng bawat lalawigan kabilang sina Police Lieutenant Colonel Julius Añunuevo ng Albay Police Provincial Office at iba pang kinatawan mula sa Catanduanes, Sorsogon at iba pa.