Casualties in Cebu quake

Tatlong mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang kabilang sa mga nasawi sa pagtama ngg magnitude 6.0 na lindol sa Cebu.

Ayon sa pahayag ng tanggapan, nasawi sina Seaman Second Class Lawrence Palomo PCG, Apprentice Seaman (ASN) Jujay Mahusay PCG, at ASN Ert Cart Dacunes PCG matapos gumuho ang San Remegio Sports Complex sa San Remegio, Cebu.

Nabatid na naitakbo pa sa pagamutan ang mga biktima subalit hindi na ito nailigtas pa.

Kaugnay nito ay nagpaabot naman ng pakikiramay ang tanggapan sa naulilang pamilya ng mga biktima kasabay ng pagkilala sa mga ito.

Matatandaan na sa pinakahuling tala, tinatayang nasa 60 na ang naitalang casualty sa lalawigan ng Cebu.