Gunman in shooting incident in Tabaco City
Gunman in shooting incident in Tabaco City

LEGAZPI CITY- Naaresto na ng mga otoridad ang suspek sa pamamaril-patay sa dalawang babae sa Barangay San Roque, Tabaco City.

Matatandaan na nitong nakalipas na mga araw lamang ay dalawang babae ang binawian ng buhay sa naturang lungsod matapos ang pamamaril ng suspek na agad na tumakas matapos ang krimen.

Ayon sa impormasyon mula sa Tabaco City Police Station, natunton nila ang suspek sa isang bahay sa naturang barangay.

Ito matapos lamang ang ilang oras na hot pursuit operation ng mga kapulisan.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na ang kasong isasampa laban sa naturang suspek para sa kaukulang disposisyon.