LEGAZPI CITY – Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang lalawigan ng Sorsogon ngayong gabi Mayo 25, 2024.

Ayon sa PHIVOLCS, namataan ang epicentro nito sa layong 6km mula sa bayan ng Donsol.

Naitala ang lindol bandang alas-8:46 ngayong gabi.

May lalim ito na 5km at tectonic in origin.

Naramdaman din ito maging sa katabing lalawigan ng Albay at Masbate.