Kinilala ng Senado ang desisyon ng Supreme Court (SC) na pagsama-samahin ang dalawang kaso kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa nabanggit na resolusyon, inutusan ng mataas na hukuman ang mga respondent na magsumite ng mga kinakailangang dokumento o paliwanag.
Kasunod ito ng kahilingan para sa karagdagang impormasyon na may kaugnayan sa mga paglilitis sa impeachment.
Sinabi ni Senate impeachment court Spokesperson Atty. Regie Tongol na ito ay katulad ng naunang hakbang ng Senado noong Hunyo 10, kung saan naisip din ang proseso ng pagpapalakas ng mga impeachment articles.
Ihahanda na rin ng Senado ang tugon nito ngunit sinabi pa ng abogado na kadalasan ang hinihinging impormasyon ay may kinalaman sa proseso ng kamara.