LEGAZPI CITY- Tumilapon sa damuhan ang isang sasakyan matapos itong maaksidente sa Barangay Bocon sa bayan ng Caramoran, Catanduanes.
Ayon sa inisyal na impormasyon na nawalan ng kontrol ang driver ng sasakyan dahil sa madulas na daan sa lugar.
Agad naman na rumespunde sa pinangyarihan ng aksidente ang mga tauhan ng Caramoran Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office matapos ang insidente.
Nabatid na isa sa mga sakay ng sasakyan ang dinala sa pagamutan upang malapatan ng paunang lunas matapos magtamo ng mga sugat.
Samantala, dahil sa insidente ay muling nagpaalala ang mga otoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang kaparehong aksidente.