LEGAZPI CITY- Muling magkakaroon ng pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo sa ikatlong magkakasunod na linggo.

Ayon sa ilang kumpanya ng langis, nasa 95 sentimos ang taas presyo sa kada litro ng gasolina.

Nasa 65 sentimos naman ang dagdag sa kada litro ng diesel habang 35 sentimos ang dagdag sa kada litro ng kerosene.

Matatandaan na noong nakalipas na dalawang linggo ay nagkaroon rin ng big time oil price hike na rason ng pag-aray ng ilang mga motorista.

Nakatakdang ipatupad ang naturang price adjustment bukas, araw ng Martes.