Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga makabagong bayani na patuloy na naglilingkod sa mga Pilipino.
“The spirit of heroism lives on because every generation gives it a new face.” ayon kay Pangulong Marcos.
Kasabay ng National Heroes’ Day ay binigyang pugay ng pangulo ang mga Overseas Filipino Workers, mga bumbero, kapulisan, mga sundalo at mga emergency responders, kasama pa ang mga guro, health care workers, mga magulang, Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines, BFAR, gayundin ang mga mangingisda.
Aniya, ilan lamang ito sa maraming mukha ng kabayanihan sa kasalukuyang panahon.










