LEGAZPI CITY- Kabilang ang aktres na si Nadia Montenegro sa mga nagtapos sa Basic Citizen Military Course Class 10-2024.

Ito matapos ang pagsasailalim sa 30 araw na training.

Inihanda ang mga ito para sa pagganap sa kanilang tungkulin sa pagresponde sa kalamidad, naval warfare, maritime security, at iba pang mandato.

Sa isinagawang graduation ceremony ngayong araw ay si Senator Robin Padilla ang nagsilbing panauhing pandangal.

Samantala, sa isang social media post ay binati naman ng aktor at military reservist na si Dingdong Dantes si Nadia sa pagtatapos nito bilang isang Navy reservist.