LEGAZPI CITY-Ipinahayag ng gobyerno ng Iran na nananatiling bukas ang kalakalan sa Strait of Hormuz, maliban sa mga oil tanker at barko na pagmamay-ari ng United States at Israel.
Sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na hindi nila tuluyang isinasara ang Strait of Hormuz, ngunit tanging ang mga itinuturing na kalaban ang mahigpit na pinagbabawalan na makapag-biyahe patungo rito.
Pinahihintulutan pa rin aniya, na dumaan ang lahat ng iba pang klase ng barko na walang kinalaman sa kanilang alitan.
Ang Strait of Hormuz ay isang kritikal na ruta sa karagatan kung saan dumadaan ang tinatayang 20% ng supply ng langis sa buong mundo na nagmumula sa Gulf region.











