LEGAZPI CITY—Igiinit ng Pambansang Lakas ng Kilusang Pangkalayaan ng Pilipinas (PAMALAKAYA) na maaaring hindi na kayang pumalaot pa ng mga mangingisda sa mga susunod na araw dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.
Ayon kay Pamalakaya Chairperson Pando Hicap, sa panayam sa Bombo Radyo Legazpi, nakakatanggap na sila ng mga ulat na dumoble ang budget ng mga ito para sa pangingisda at hindi pa nila tiyak kung maraming isda ang kanilang mahuhuli sa dagat; pati na rin ang epekto ng implasyon lalo na sa mga pangangailangan ng pamilya.
Bukod dito, sinabi rin niya na posible na ang kita mula sa pangingisda ay mapupunta lamang sa pagbili ng langis sa halip na para sa kanilang mga pangangailangan sa bahay.
Sinabi rin ni Hicap na hindi sapat ang pamamahagi ng fuel subsidy na P3,000 ng gobyerno dahil mahigit 14,000 mangingisda lamang ang nabibigyan nito kumpara sa mahigit 2 milyong mangingisda sa Pilipinas.
Samantala, binigyang-diin din ng opisyal na ito ay parang isang band-aid solution lamang at hindi rin aniya seryoso ang gobyerno sa pagbigay solusyon ng epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo lalo na sa mga magsasaka at mangingisda sa bansa.











